Impormasyon sa Vaginal Candidiasis

(Inilathala 08/2010)(Muling inilimbag 05/2019)

Ano ang impeksyon na vaginal Candidiasis?

  • Karaniwan ang Genital Candidiasis sa mga babaeng nasa edad ng panganganak at sanhi ito ng sobrang pagdami ng fungus na mukhang lebadura at natural na umiiral at tinatawag na Candida albicans sa lugar ng puwerta.
  • Sa karaniwang mga kondisyon, laging mayroong kaunting dami ng Candida sa puwerta. Kung mayroong pagbabago sa maasim na kaligiran ng puwerta, magkakaroon ng labis na pagdami ng Candida, mas mataas ang tsansa ng kababaihan na magkaroon ng impeksyon dulot ng vaginal candidiasis.

Kailangan ba ang paggamot para sa Candidiasis sa Puwerta?

  • Karamihan sa mga babae ang talagang walang sintomas, samakatuwid hindi kailangan ang paggamot.
  • Kaunting babae ang may mga sintomas ng vaginitis tulad ng pagdami ng madilaw o tila keso na katas ng puwerta na may pangangati ng vulva, pananakit ng puwerta, o kahirapan sa pakikipagtalik. Sa malulubhang kaso, maaaring magkaroon ng pamamaga at mga sugat ang mga lugar ng vulva, perineum at singit, na may kasamang matinding kirot.
  • Kung mayroon kang mga senyales at sintomas ng impeksyon sa puwerta sanhi ng Candida, mangyaring humingi ng payo mula sa General Outpatient Clinic o pribadong doktor. Pagkatapos ng pagkonsulta, mangyaring sundin ang mga tagubilin ng iyong doktor para sa angkop na gamot tulad ng vaginal pessaries, ipinapahid na krema o gamot na iniinom.
  • Maaari itong maulit matapos ang paggamot.

Kailangan ba ng kapareha ko ng anumang paggamot?

  • Walang ebidensya na sumusuporta ng paggamot ng mga kapareha na walang ipinapakitang sintomas (asymptomatic).
  • Kung naging symptomatic nang sabay ang kapareha mo, pareho dapat kayong sumailalim sa paggamot upang maiwasan ang pagkahawa.

Ano-ano ang mga sanhi ng panganib?

  • Normal sa mga kababaihan at kalalakihan na magkaroon ng kaunti nitong uri ng lebadura sa lugar ng ari ngunit may ilang dahilan na maaring maging sanhi ng pagdami nito.
  • Kabilang sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng sobrang pagdami ng Candida ang:
    • Gumagamit ka ng antibiotocs.
    • Buntis ka.
    • Mayroon kang diabetes mellitus.
    • Pinahina ang iyong immune sysytem ng isang kondisyong immunosuppressive, tulad ng impeksyon ng Human Immunodeficiency Virus

Paaano iiwasan ang Vaginal Candidiasis?

Maaaring makatulong ang mga sumusunod na mungkahi upang maiwasang mabuo o umulit ang vaginal candidiasis:

  1. Panatilihin ang mabuting personal na kalinisan. Labhan nang madalas ang iyong mga saluwal.
  2. Iwasan ang nylon o sobrang higpit na saluwal, sa halip ay magsuot ng saluwal na gawa sa bulak.
  3. Huwag gumamit ng antiseptics upang linisin ang iyong puwerta. Maiirita lamang nito ang iyong balat at gagawing mabilis na mahawahan ng mga mikrobyo ang iritadong balat.
  4. Huwag gumamit ng douches.
  5. Iwasang gumamit ng mabangong mga napkin at may pabangong toilet paper.
  6. Pagkatapos gumamit ng inidoro, punasan ang vulva hanggang likod. Pinipigil nito ang bakterya na karaniwang nasa iyong tumbong na makarating sa iyong puwerta.