Buhay Pakikipagtalik sa panahon ng Menopause

(Binago ang nilalaman 10/2013)

Nag-aalala ka ba o nalilito?

Huwag kailanman magpaalam sa pagtatalik sa panahon ng menopause......

  • Hindi kailanman sobrang matanda ang isang tao para magkaroon ng pagtatalik!
  • Pangunahing pakiramdam natin ang seksuwal na pagnanasa at hindi tayo kailanman dapat maging mahiya sa pagkagusto sa pagtatalik. Magkaiba ang istruktura ng anatomiya ng mga lalaki at mga babae, ngunit humigit-kumulang pareho ang kanilang seksuwal na pagnanasa.
  • Totoo na nagiging hindi gaanong kapansin-pansin ang mga katangiang seksuwal ng mga babae habang tumatanda, NGUNIT, hindi mawawala sa mga nakatatandang babae ang kanilang seksuwal na gawain. Sa katunayan, karamihang nakatatandang tao, parehong mga lalaki at babae, na nananatiling seksuwal na aktibo ay maaaring makaranas ng mataas na kasiyahan mula sa pagtatalik.
  • Hindi lang tinutukoy ng seksuwal na gawain ang pagtatalik sa puwerta. Mga seksuwal na gawain na karaniwang ginagawa ng maraming mag-asawa ang pagyakap, paghalik, paghaplos, nag-iisa at magkasamang masturbasyon pati na rin oral sex.
  • Walang normal na pamantayan sa dalas ng seksuwal na gawain sa pagitan ng mga mag-asawa, okay lang ito hangga't pareho silang kuntento.
  • Walang dapat alalahanin na magbubuntis pagkatapos ng menopause at maaari kayong masiyahan sa mas maligayang buhay pakikipagtalik!
"Nararamdaman kong sobrang tuyo ang aking puwerta at nakararanas ako ng pananakit sa tuwing nakikipagtalik ako."
  • Maaaring makatulong sa inyo ang hormonal cream, hormonal replacement therapy at jelly na pampadulas. Kumonsulta sa inyong doktor.
"Kamakailan hindi ko maiwasan ang mapaihi habang nakikipagtalik..."
  • Maaaring dahil ito sa mahinang kalamnan ng ibaba ng balakang at pangkaraniwang nakikita sa mga babaeng nasa kalagitnaang-gulang. Maaaring makatulong ang ehersisyo para sa ibaba ng balakang upang mapalakas ang mga kalamnan. Sa regular na ehersisyo, huhusay ang kawalang-pagpigil sa pag-ihi sa karamihang babae. Kumonsulta sa inyong doktor.
"Labis akong nahihiya sa pagkadama ng libog sa aking edad!"
  • Mga natural na pangangailangan ng isang malusog na tao ang pangangailangan at pagnanais na seksuwal at hindi lang mawawala sa mabilis na pagtanda. Sa halip, dapat kayong magsaya sa inyong kalusugan.
"Labis akong nalulungkot na malamang hindi na kaakit-akit ang aking katawan..."
  • Hindi lang nagmumula sa hugis ng iyong katawan o iyong hitsura ang iyong pagiging kaakit-akit. Imposible ang paghahabol para sa walang-hanggang kabataan, panatilihin lang na malinis at masaya ang inyong sarili. Siya nga, patungo na kayo sa kalagitnaang-edad na kayo ngunit hindi nito dapat pigilin kayo sa pag-e-enjoy ng maharmonyang relasyonsa inyong kapareha sa pagtatalik at maraming iba pang aspekto ng buhay.

Ipahayag ang inyong mga nararamdaman at alalahanin sa isang taong pinagkakatiwalaan ninyo. Maaari kayong mag-enjoy sa bawat yugto ng inyong buhay.

Payong Kontraseptibo sa mga Babaeng Nagme-menopasue

  • Dapat magsagawa ng kontrasepsyon ang mga babaeng nag-menopause bago ang 50 taong gulang, gaya ng condom, intrauterine device o spermicide sa unang dalawang taon pagkatapos ng kanilang huling regla.
  • Dapat magsagawa ng kontrasepsyon ang mga babaeng nag-menopause pagkatapos ng 50 taong gulang sa loob ng isang taon pagkatapos ng kanilang huling regla.
  • Makatutulong ang tamang paggamit ng condom upang mabawasan ang pagkakaroon ng mga impeksyon na naipapasa sa pakikipagtalik.

Pag-screen ng Kanser sa Cervix

Kung nagkaroon kayo kailanman ng pagtatalik at wala pang 65 taong gulang, kailangan ninyo ng mga regular na cervical smear upang protektahan kayo mula sa kanser sa cervix.

Mga provider ng serbisyo:

  1. Mga Maternal & Child Health Centre, Kagawaran ng Kalusugan.
    24 na oras na serbisyo ng pagrereserba at hotline ng impormasyon: 31666631
  2. Iba pang provider: www.cervicalscreening.gov.hk

Pagsusuri at Pagpapayo sa Kalusugan

Mga Woman Health Centre at mga piling Maternal & Child Health Centre, Kagawaran ng Kalusugan

Serbisyong Kontraseptibo (Kabilang ang emergency na kontrasepsyon)

  1. Mga Maternal & Child Health Centre, Kagawaran ng Kalusugan.
  2. Samahan ng Pagpaplano ng Pamilya sa Hong Kong, Tel: 25754477
    www.famplan.org.hk