Malusog na Buhay Pakikipagtalik Bago at Matapos Manganak

(Binago ang nilalaman 06/2017)

Maaari bang magpatuloy ang buhay pakikipagtalik sa panahon ng pagbubuntis? Maaapektuhan ba ang sanggol sa sinapupunan?

  • Maaaring mapigilan ang pagnanais na makipagtalik ng naglilihing ina dahil naaapektuhan ng pagkahilo at/o pagsusuka sa panahon ng unang yugto ng pagbubuntis, ang lumalaking tiyan at ang maling akala na maaaring maapektuhan ang sanggol sa sinapupunan.
  • Maliban kung magpakita ang mga palatandaan ng pagkalaglag sa unang trimestre o kung ma-diagnose ang placenta praevia (nangangahulugan na nasa ibabang bahagi ng matris ang inunan) sa gitna o mga huling trimestre, hindi patataasin ng pagtatalik ang tsansa ng pagkalaglag.
    Maaaring magpatuloy ang naglilihing in sa kanyang buhay pakikipagtalik. Hindi nakaaapekto ang proseso ng pagtatalik sa sanggol sa sinapupunan kung iniiwasan ang mga sobrang masiglang kilos at presyur sa tiyan.
  • Mga abnormal na palatandaan sa panahon ng pagtatalik ang lumalaking kirot sa ibaba ng tiyan, pagdurugo sa puwerta o pagtagas ng panubigan. Kung mangyari ang alinman sa mga ito, kailangang ihinto kaagad ang mga pagtatalik at dapat hangarin sa lalong madaling panahon ang pagpapatingin.
  • Mula ika-36 na linggo ng pagbubuntis pasulong, hindi kanais-nais ang pagtatalik sa puwerta dahil sa panganib ng maagang pagkasira ng membrane.

Ano-anong posisyon ang maaaring gamitin para sa buhay pakikipagtalik sa panahon ng pagbubuntis?

  • Sa unang bahagi ng pagbubuntis, maaaring gamitin ang lahat ng posisyon.
  • Kapag umabot ang naglilihing ina sa kanyang ikalawang trimestre, na may lumalaki at umuusling tiyan, dapat niyang bigyang-pansin na hindi sumailalim sa presyur ang kanyang tiyan o mga kilos na masyadong masigla. Kabilang sa mga posisyon na angkop na gamitin ang magkaharap nang magkatabi, nakaluhod nang patalikod pati na rin nakaharap nang nakaupo.
  • Sa huling yugto ng pagbubuntis, maaaring gamitin ang pagpasok sa likod at dapat ipakita ng asawa ang kanyang pangangalaga at pagmamahal bilang suporta.
  • Bukod sa pagtatalik, maaaring makamit ng mag-asawa ang kasiyahang seksuwal at kasiyahan ng katawan sa pamamagitan ng iba pang paraan gaya ng pagyakap, pagkarinyo at paghalik.
  • Mababawasan ng paggamit ng condom sa pagtatalik ang tsansa ng pagkakaroon ng mga sakit na naipapasa sa pakikipagtalik.

Ligtas na posisyon para sa pagbubuntis

Posisyon para sa unang yugto ng pagbubuntis

Normal na posisyon:
Sinusuportahan ng lalaki ang kanyang katawan gamit ang kanyang mga braso

Posisyon na nag-iinat:
Iwasan ang malalim na pagpasok at presyur sa tiyan ng babae

Posisyon para sa gitnang yugto ng pagbubuntis

Posisyon na magkaharap na magkatabi:
Mababaw na pagpasok, walang presyur sa tiyan ng babae

Posisyon na nakaluhod patalikod:
Walang presyur sa tiyan ng babae, maaaring kontrolin ng lalaki ang lalim ng pagpasok.

Posisyon na magkaharap na nakaupo:
Maaaring kontrolin ng babae ang lalim ng pagpasok.

Posisyon para sa huling yugto ng pagbubuntis

Posisyon na nakatalikod na magkatabi:
Mababaw na pagpasok, walang presyur sa tiyan ng babae

Paghaplos sa ulo at leeg

Pagmasahe sa ari ng lalaki

Kailan maaaring ipagpatuloy ang pagtatalik matapos magsilang?

  • Pagkatapos magsilang, kailangan ng katawan ng kaunting panahon para bumalik ito sa dating kalagayan bago magbuntis. Ang yugtong ito, na tinatawag na puerperium, ay karaniwang tumatagal nang 6 na linggo.
  • Kapag natapos na ang puerperium, mawawala na ang lochia, babalik na sa natural na laki ang matris, gagaling ang lining ng matris, magsasara ang cervix, babalik sa normal ang lamad ng puwerta at maghihilom ang sugat sa tiyan o perineum. Sa panahong ito, maaari nang ipagpatuloy ang pakikipagtalik kung handa na ang emosyon at katawan ng ina.

Ano ang dapat tandaan sa pagpapatuloy ng pagtatalik?

  • Kapag ipagpapatuloy ang pakikipagtalik matapos magsilang, makararanas kung minsan ang ina ng panunuyo sa kanyang puwerta pati na rin ng banayad na kirot o kakaibang pakiramdam sa perineum. Karamihan sa mga dahilan ay sikolohikal. Unti-unti siyang masasanay dito matapos ang ilang pagtatalik at natural na mawawala ang mga kawalang-ginhawa na ito.
  • Dapat iwasan ang mga sobrang malakas na pagkilos at malalim na pagpasok sa maagang pagpapatuloy ng pagtatalik. Dapat unahin kung ano ang mabuti sa pakiramdam ng ina.
  • Dapat humingi ng medikal na pagsusuri kung mayroong pagdurugo, pagkirot o kung nahihirapan habang nagtatalik.

Mapupunit ba ang sugat ng mga gawaing seksuwal pagkatapos manganak?

  • Sa pangkalahatan, gagaling na ang sugat sa perineum matapos ang puerperium. Kaya hindi magreresulta sa pagbuka ng sugat ang pagtatalik.