Impormasyon sa Impeksyon Sanhi ng Bakterya sa Puwerta

(Inilathala 08/2010)

Ang Impeksyon Sanhi ng Bakterya sa Puwerta (Bacterial Vaginosis o BV) ba ay isang impeksyon na naipapasa sa pakikipagtalik?

  • Ang Impeksyon Sanhi ng Bakterya sa Puwerta ay HINDI isang impeksyon na naipapasa sa pakikipagtalik.
  • Karaniwan ito sa mga kababaihang nasa edad ng panganganak at nangyayari ito kapag hindi balanse ang normal at malusog na flora (bakterya) sa puwerta.
  • Ang sinumang babae ay maaring magkaroon ng Impeksyon Sanhi ng Bakterya sa Puwerta, ngunit mas malamang na makuha mo ito kung: Gumagamit ka ng intrauterine contraceptive device (aparatong ipinabasok sa matris para pigilin ang pagbubuntis), you douche, at kung mayroon kang bagong kapareha sa pagtatalik o maraming kapareha sa pagtatalik.

Kailangan ba ang paggamot para sa Impeksyon Sanhi ng Bakterya sa Puwerta?

  • Karamihan sa mga babae ang talagang walang sintomas, samakatuwid hindi kailangan ang paggamot.
  • Kakaunti sa mga babaihan ang may mga sintomas ng impeksyon sa puwerta tulad ng hindi karaniwang paglabas ng katas sa puwerta at pangangati sa paligid ng puwerta. Inirerekomenda ang paggamot sa mga babaeng may mga sintomas. Maaari kang humingi ng medikal na payo mula sa General Outpatient Clinic o pribadong doktor na nangangasiwa ng impeksyon sanhi ng bakterya sa puwerta kung kinakailangan.
  • Iba pang isasaalang-alang:
    • Dinaragdagan ng Impeksyon Sanhi ng Bakterya sa Puwerta ang peligro ng impeksyon pagkatapos ng operasyon, gaya ng Nakahahawang Sakit sa Balakang pagkatapos ng pamamaraang hinekolohiya (kabilang ang pagpasok ng intrauterine device, pagtatapos ng pagbubuntis at hysterectomy) at dahil dito, dapat gamutin ang mga babaeng may mga senyales ng BV bago ang pamamaraan.
    • Kung buntis ka, mayroon ka mang mga sintomas o wala, dapat mong ipaalam sa iyong doktor upang maibigay ang naangkop na pangangasiwa.

Maaari bang muling mangyari ang Impeksyon Sanhi ng Bakterya sa Puwerta matapos ang paggamot ?

  • Maaarnig maulit ang mga sintomas matapos ang paggamot.