Sakit sa Atay ng Bagong Silang na Sanggol

(Binago ang nilalaman 02/2023)

Karaniwang kondisyon sa mga sanggol ang Sakit sa Atay ng Bagong Silang na Sanggol na nagiging sanhi ng paninilaw ng balat at mga puti ng mga mata. Sanhi ito ng pagtaas ng isang natural na substansiya na tinatawag na bilirubin sa dugo.

Bakit nagkakaroon ng sakit sa atay ang mga sanggol?

Pagkatapos isilang, hindi kailangan ng mga sanggol ng maraming pulang selula ng dugo tulad ng sa yugto na nabubuo pa sa sinapupunan. Naghihiwa-hiwalay itong mga pulang selula ng dugo at inilalabas ang bilirubin sa dugo. Hindi pa magulang ang atay ng mga bagong silang na sanggol upang pangasiwaan ang sobrang bilirubin, kaya nagiging sanhi ng pagdami ng bilirubin sa kanilang dugo.

Kailan lilitaw at mawawala ang sakit sa atay?

Karaniwang lumilitaw ang sakit sa atay sa ikalawa o ikatlong araw ng buhay at tumatagal ito ng dalawa hanggang tatlong linggo upang humupa kapag mas epektibo sa pagproseso ng bilirubin ang kanilang atay.

Maaari bang makapinsala ang sakit sa atay sa aking sanggol?

Hindi malubhang problema ang Sakit sa Atay ng Bagong Silang na Sanggol sa karamihang malulusog na sanggol. Gayunpaman, maaaring mapanganib ang napakataas na antas ng bilirubin at maaaring maging sanhi ng pinsala sa utak sa ilang sanggol.

May mas malaking panganib para sa mataas na antas ng bilirubin sa ilang sanggol:

  • Ipinanganak bago ang kabuwanan
  • Hindi sumususo nang tama
  • May kakulangan sa Glucose 6 Phosphate Dehydrogenase
  • May ibang grupo ng dugo mula sa ina
  • May impeksyon

Ano ang maaari kong gawin kung may sakit sa atay ang aking sanggol?

  • Tiyakin na may sapat na pagpapasuso ang inyong sanggol upang maiwasan ang pagkaubos ng tubig sa katawan. Masasabi ninyo mula sa dami ng ihi at dumi ng inyong sanggol sa isang araw.

    (Para sa mga detalye, mangyaring sumangguni sa “Gabay sa Pagpapainom sa Bote: Sapat ba ang nakakain ng aking sanggol”.)

  • Dahil maaaring tumaas ang antas ng bilirubin sa unang ilang araw ng buhay, dalhin ang sanggol sa Maternal and Child Health Centre o sa inyong Doktor ng pamilya/ paediatrician para sa pagsusuri matapos ang paglabas mula sa ospital.
  • Susubaybayan ng doktor ang kalagayan ng sanggol. Kung kinakailangan, isasangguni ang mga sanggol sa ospital para sa paggamot.

Kailangan ba ng anumang paggamot ng sakit sa atay?

  • Karamihan sa mga bagong silang na sanggol na may sakit sa atay ay hindi na kinakailangan ng paggamot. Kusang mawawala ang sakit sa atay habang gumugulang ang mga atay ng mga sanggol.
  • Kung napakataas o napakabilis tumaas ang antas ng bilirubin, mangangailangan ang inyong sanggol ng phototherapy sa ospital.

Maaari bang makatulong ang pagbibilad sa araw upang mabawasan ang sakit sa atay?

Hindi angkop na pamamaraan ang pagbibilad sa araw upang magamot ang sakit sa atay pagkasilang. Dapat sumailalim sa medikal na pangangasiwa ang paggamot sa sakit sa atay.

Kung may sakit sa atay ang aking sanggol, maaari ko bang ipagpatuloy ang pagpapasuso sa aking sanggol?

  • Maaari ninyong ipagpatuloy ang pagpapasuso sa inyong sanggol. Maaaring magkaroon ng sakit sa atay ang lahat ng bagong silang na sanggol pinapasuso man o pinaiinom ng pormula.
  • Hangga't may sapat na gatas ng ina ang inyong sanggol, ayon sa ipinapakita ng sapat na dami ng ihi at dumi pati na rin ng normal na pagtaas ng timbang, hindi na kailangang ihinto ang pagpapasuso o magdagdag ng gatas na pormula.

    (Para sa mga detalye, mangyaring sumangguni sa “Pagpapasuso: Paano ninyo malalaman kung nakakakuha ng sapat na gatas ang inyong sanggol?”.)

  • Maaaring magpatuloy nang medyo matagal ang sakit sa atay ng ilang pinasususong sanggol at karaniwang humuhupa sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan. Tinatawag itong “Sakit sa atay sa gatas ng ina” na banayad at hindi makapipinsala sa kalusugan ng sanggol. Hindi kinakailangang magpalit ng gatas na pormula.

Hindi nawawala ang sakit sa atay ng aking sanggol, ano ang maaari kong gawin?

  • Kung nagpapatuloy ang sakit sa atay na lampas sa dalawa hanggang tatlong linggo o nagiging maputla ang dumi ng sanggol, dalhin ang sanggol para sa maagang medikal na konsultasyon o dalhin sa Maternal and Child Health Centre para magpatingin.
  • Maaaring kailanganing isangguni ang sanggol sa mga espesyalistang Paediatric para sa karagdagang pagsusuri upang alisin ang mga problema sa atay o apdo.

Ano ang kakulangan sa Glucose 6 Phosphate Dehydrogenase (G6PD)? Paano ko malalaman kung may G6PD ang aking sanggol?

  • Namamanang kondisyon ang kakulangan sa G6PD.
  • Kapag nalantad ang mga sanggol na may kakulangan sa G6PD sa Fava beans, ilang gamot o halamang gamot ng Tsino, mga produktong nagtataglay ng Naph-thalene atbp., maghihiwa-hiwalay ang maraming pulang selula ng dugo na magreresulta sa matinding sakit sa atay.
  • Ang mga sanggol na ipinanganak sa mga pampublikong ospital ng Hong Kong ay may pagsusuri ng dugo sa pusod para sa kakulangan sa G6PD. Ipagbibigay alam sa mga magulang, karaniwan bago ang paglabas mula sa ospital, kung natuklasan ang sanggol na mayroong kakulangan sa G6PD.