Oras ng pagliligo ng bata

(Naka-upload na ang bidyo 06/23)

Transcript

Pamagat :
Oras ng pagliligo ng bata

Eksena: Banyo
Sub-heading:
Magdagdag ng malamig na tubig bago ang mainit na tubig
Tagapagsalaysay:
Punuin ang palanggana ng malamig na tubig pagkatapos ay mainit na tubig
Kapag naghahanda ng pampaligo ng bata
Mga 5 hanggang 8 cm ng tubig ay sapat na
Sub-heading:
Subukan ang temperatura ng tubig

Tandaan na subukan ang temperatura ng tubig gamit ang iyong siko
or a thermometer
o ang thermometer

37 hanggang 38 degree celsius ang maiging temperatura ng tubig para sa pagpapaligo ng mga bata

Eksena: Silid na may palanggana ng tubig sa isang mesa.
Sub-heading:
Ihanda ang lahat ng kailangan
Tagapagsalaysay:
Maaari kang magdagdag ng kaunting baby soap o bathing gel kung gusto mo
Ilagay ang lahat ng kailangan sa lugar na madali mong maabot
bago paliguan ang iyong anak
Kasama dito ang palanggana ng tubig, baby soap o bathing gel
malinis na damit, tuwalya, lampin, mga cotton wool ball
at malamig na pinakuluang tubig
Buksan ang heater ng banyo sa malamig na panahon
Sub-heading:
Tanggalin ang mga aksesorya at hugasan ang iyong mga kamay

Tanggalin ang lahat ng aksesorya sa iyong mga kamay
at hugasan ang mga ito bago paliguan ang iyong sanggol
Ihanda muna ang malilinis na damit
sa pamamagitan ng paglalagay ng isang patong ng damit sa loob ng isa pa
Sa ganitong paraan, mas mapapabilis ang pagbibihis mo sa iyong sanggol
Hubaran ang iyong sanggol, iwanan lamang ang lampin
Balutin siya ng malaking tuwalya
para hindi siya maglikot
Suportahan ang katawan ng iyong sanggol gamit ang iyong braso
Gamitin ang iyong kili-kili upang panatilihin ang kaniyang mga paa sa lugar
Sub-heading:
Suportahan ang ulo at leeg ng iyong sanggol

Eksena: Pinaliguan ang sanggol sa pamamagitan ng paghuhugas muna ng buhok.
Tagapagsalaysay:
Suportahan ang likod ng kaniyang leeg at ang kaniyang ulo gamit ang iyong kamay
Sub-heading:
Hugasan ang buhok ng bata bago paliguan
Tagapagsalaysay:
Banlawan ang kaniyang ulo mula sa harapan hanggang sa likuran sa isang pabilog na mosyon
Mag-ingat na huwag  matuluan ng tubig at sabon
ang mga mata at tainga ng iyong anak
Ilagay ang bata sa isang matibay na tuntungan at patuyuin kaagad ng tuwalya.
Tanggalin ang lampin
punasan ng maigi ang puwet ng iyong anak kung siya ay dumumi
Kargahin ang bata gamit ang iyong braso na nakasuporta sa kaniyang ulo at leeg
Hawakan ang braso ng iyong anak gamit ang isang kamay
at hawakan ang kaniyang mga paa gamit ang iyong kabilang kamay
Pagkatapos ilagay ang iyong anak sa paliguan, bitawan ang kanyang mga paa
Pagkatapos, maaari mong paliguan ang bata
Sub-heading:
Bigyang atensyon ang mga singit ng balat
Tagapagsalaysay:
Bigyang atensyon ang paglilinis ng mga singit-singit sa balat
tulad ng ilalim ng kanyang kilikili, hita at leeg
Dahan-dahang pihitin ang bata at gamitin ang isang kamay
upang suportahan ang kaniyang panga at dibdib kapag binabanlawan ang kaniyang likod
Iwasang makapasok ang tubig sa kaniyang bibig at ilong
Pagkatapos, ilagay siya sa isang matibay na tuntungan
at patuyuing mabuti ang iyong anak lalo na ang mga singit
Isuot agad sa kaniya ang lampin at damit
Maaari mong linisin ang mga mata at mukha ng bata sa  pagkakataong ito
Tagapagsalaysay:
Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang aming website sa www.fhs.gov.hk.


Ang video na ito ay ginawa ng Family Health Service ng Department of Health.