Paglilinis sa bibig ng iyong anak

(Naka-upload na ang bidyo 06/23)

Transcript

Pamagat: Paglilinis sa bibig ng iyong anak

Sub-Heading: 
Espesyal na sesyon: (2) Paglilinis sa bibig ng iyong anak
Sub-Heading:
Doktor Felix Yu, Oral Health Education Unit, Department of Health:
Doktor Felix Yu:
Upang matiyak na ang iyong anak ay may malusog na ngipin
dapat mong tulungan siyang
masanay sa paglilinis ng kaniyang bibig araw-araw
Pagkatapos lumitaw ang unang ngipin
maaari mo itong sepilyuhin gamit ang baby toothbrush
at kaunting inuming tubig
Upang linisin ang bibig ng iyong anak
sundin ang tatlong hakbang na ito
Sub-heading:
Mga matalinong tip
Hugasan nang maigi ang iyong mga kamay
Balutin ang iyong daliri sa  piraso ng basang gasa
Kuskusin ang gilagid ng iyong anak, at linisin ang mga ngipin
Eksena:
Nakahiga ang sanggol sa sopa. Nililinis ng kaniyang nanay ang kaniyang bibig gamit ang isang basang gasa.

Una, hugasan nang maigi ang iyong mga kamay gamit ang sabon
Sunod, basain ang ang piraso ng gasa
o bulak ng inuming tubig
Ibalot ito sa iyong daliri
Dahan-dahang kuskusin ang itaas na gilagid ng iyong anak
at pagkatapos ay sa ibaba ng gilagid sa isang pabilog na mosyon
Kung may ngipin ang iyong anak
tandaan na linisin din ang mga ito
Sub-heading:
Upang protektahan ang mga ngipin ng iyong bata
- Huwag hayaang uminom ng gatas ang iyong anak habang natutulog
- Itigil ang paggamit ng feeding bottle bago mag-14 na buwang gulang
- Bigyan siya ng isang baso at tulungan siyang uminom sa edad na 7 hanggang 9 na buwan
Doktor Felix Yu:
Gayundin, upang maprotektahan ang mga ngipin ng iyong anak
huwag hayaang uminom ng gatas ang iyong anak
habang siya ay natutulog
Palitan ng mga baso
at itigil ang pagbibigay sa kaniya ng mga feeding bottle para sa gatas
kapag siya ay umabot sa 14 na buwang gulang
Bigyan siya ng isang baso upang subukan kapag siya ay 9 na buwang gulang na
Tagapagsalaysay:
Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang aming website sa www.fhs.gov.hk.

Ang video na ito ay ginawa ng Family Health Service ng Department of Health.