Pagsasanay sa mga Kakayahang Pangkomunikasyon – Pag-usapan ang Nangyyayari

(Naka-upload na ang bidyo 06/23)

Transcript

Pamagat :
Pagsasanay sa mga Kakayahang Pangkomunikasyon – Pag-usapan ang Nangyyayari

Tagapagsalaysay:
Miss Siu: Ang ikaltong kakayahan ay“Pag-usapan ang Nangyayari”.Habang naglalaro, inilalarawan ng mga magulang ang kanilang ginagawa
at gumagamit din mga kilos at salita.
Tingnan natin kung paano nila ito gawin!

Eksena: Si Tatay Ah Kin ay nakaupo sa floor mat kasama ang kaniyang anak na naglalaro ng stacking rings
at inaabutan niya ito ng laruang bibe.
Kin: Hawakan mo ang ducky. Ducky, ilagay mo diyan.
Ito ‘yung butas na pagtutusukan mo. Subukan mo.
Miss Siu: Naglalaro sila ng stacking rings.
Noong itinaas ni Tatay ang ducky, sinabi niyang "ducky".
Noong tinuruan niya ang  kaniyang anak na ilagay ito,nagsalita siya habang ipinapakita niya ito:
"Heto ang ducky, ilagay mo diyan! Ito‘yung butas, subukan mo"para maintindihan ng bata ang ibig niyang sabihin.

Sub-heading: Pag-usapan ang Nangyayari
Eksena: Sina tatay Ah Kam at baby Jo Jo ay naghihintay sa elevator.
Sinusubukan ni Jo Jo na pindutin ang buton ng elevator.Si Ah Kam ay tumalungko at kinausap si Jo Jo nang magkaharap.
Kam: Uy! Gusto mo bang pindutin ang buton?

Eksena: Tumango si Jo Jo, binuhat siya ni tatayAh Kam at
ipinakita kung paano pindutin ang buton.
Kam: Darling, umiilaw ito.
Tingnan mo! May buton. Gusto mo bang pindutin?

Eksena: Iniunat ni Jo Jo ang kaniyang braso at pinindot ang buton ng elevator.
Miss Siu: Noong malaman ni tatay na gusto ng kaniyang anak na babae napindutin ang buton ng elevator,pinindot niya ang buton at may sinabing bagay nauugnay rito:
Umiilaw ito, isa‘yang“buton".

Sub-heading: Pag-usapan ang Nangyayari
Eksena: Sina tatay Ah Kin, nanay Ah Ying, at baby Yau Yau ay nasa tindahan ng prutas.
Si Yau Yau ay dumampot ng lemon. Tumalungko si Ah Kin.
Yau: Ahh!
KIn: Ito ay isang lemon.
Maasim ito,Yau Yau, gusto mo ba ito?
“lemon” , ang mga lemon ay maaasim.

Gusto mo ba ito? Um!
Miss Siu: Napansin ni Tatay na interesado ang  kaniyang anak na babae sa lemon.
Kaya sinamantala niya ang pagkakataon na ituro sa kaniya ang pangalan ng prutasat ang mga katangian ng isang lemon.

Tagapagsalaysay: Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang aming website sa www.fhs.gov.hk.

Ang video na ito ay ginawa ng Family Health Service ng Department of Health.