Pagsasanay sa paggamit ng banyo

(Naka-upload na ang bidyo 06/23)

Transcript

Pamagat:
Pagsasanay sa paggamit ng banyo


Tagapagsalaysay:
Ang pagkontrol sa pagdumi at pag-ihi ng mga bata
ay hindi minamadaling proseso
Kung nalaman mong ang iyong anak ay may mga sumusunod na palatandaan
tulad ng hindi pag-ihi sa loob ng halos dalawang oras kapag araw
pagsunod sa mga simpleng tagubilin
ipinapahiwatig nito na kailangan mo nang pumunta sa banyo
sa pamamgitan ng mga kilos o salita
pagkakaroon ng interes sa pagpunta sa banyo
pagkakaroon ng tiyak na oras ng pagdumi
o pagiging hindi komportable kapag may dumi o basa ang lampin
ito na ang oras para tulungan ang iyong anak na magpaalam sa mga lampin
Paghahanda para sa pagsasanay sa paggamit ng banyo
Una, kumuha ng angkop na potty
at iwanan ito sa isang priming lokasyon
kung saan madaling makarating dito ang iyong anak
Isang potty seat na may urine guard sa harapan
ay mas mainam para sa mga batang lalaki upang maiwasan ang pagtilamsik.

Sub-heading: Kumuha ng angkop na potty
Kung sasanayin mo ang iyong anak gamit ang isang pangmatandang inidoro
Lagyan ito ng toilet seat
kasama ng isang stepstool sa ilalim ng mga paa ng iyong anak para sa suporta
Paano simulan ang pagsasanay sa paggamit ng banyo
Simulan ang pagsasanay sa mas maiinit na panahon
Ang iyong anak ay maaaring magsuot ng mas kaunting patong ng damit
na nagpapadali sa pagsusuot at paghuhubad
Piliin ang panahon
na mayroon kang libreng oras araw-araw upang sanayin ang iyong anak
Hayaan ang iyong anak na makilala ang potty
Makipaglaro sa kaniya sa pamamagitan ng pagpapaupo sa kaniya rito
na kunwaring gagamit ng banyo
Kapag ikaw at ang iyong anak ay handa na
oras na para simulan ang pagsasanay!

Sub-heading: Pag-aayos ng oras para sa banyo
Para magsimula, maaari mong hilingin sa kaniya na pumunta sa banyo
ayon sa oras ng kaniyang pagdumi
Pagkatapos, unti-unting ibagay ang oras para sa banyo sa kaniyang pang-araw-araw na gawain
halimbawa, pagkagising, pagkakain o bago matulog
Si Nanay at Katie ay tapos nang mag-almusal.
Sinimulan ni Nanay ang gawain sa pagsasanay sa paggamit ng banyo kasama si Katie
Pinaupo ni Nanay si Katie sa potty at sinamahan siya
Mas madaling sanayin muna ang pagdumi
Kapag ang iyong anak ay nagpakita ng mga senyales na nadudumi na
tanungnin kung gusto na niya   
at hikayatin siyang umupo sa potty

Sub-heading: Wastong postura ng pag-upo
Ang wastong postura ng pag-upo ay nagpapadali sa paglabas ng dumi
Panatilihin ang kaniyang balakang sa ibaba ng mga tuhod
habang inilalagay ang mga siko sa mga tuhod
umupo nang tuwid at itulak sa pamamagitan ng pagpapalaki ng tiyan
Mga hakbang sa pagpunta sa banyo
Ipaliwanag sa iyong anak ang mga hakbang kung paano mag-banyo
Una sa lahat
kapag sinabi sa iyo ng iyong anak na kailangan niyang pumunta sa banyo
Dalhin siya sa banyo o potty
Tulungan siyang ibaba ang kaniyang pantalon
Umupo sa toilet seat o potty
Pagkatapos ay punasan
Hilahin pataas ang pantalon, i-flush ang inidoro at maghugas ng kamay
Para sa pagtuturo sa mga batang lalaki na umihi
maaaring mas madali kung sila ay nasa nakaupong posisyon
Maaari mo rin siyang turuan
na itutok ang kaniyang ari upang maiwasan ang pagtilamsik
Maaaring manlaban ang ilang bata na tanggalin ang kanilang mga lampin
Maaari mong hayaan muna silang maupo sa potty na may lampin
Maaari mong ihulog ang maruming lampin sa
potty at hayaang makita ito ng iyong anak
Kapag nasanay na ang iyong anak dito
maaari mong tanggalin ang   kaniyang lampin
at ilagay ito sa potty bago siya maupo rito.
Karaniwang naiihi ang mga bata kapag dumudumi
kaya maaari mong sanayin ito nang sabay
Isaalang-alang ang paggamit ng cotton training pants kapag araw
Kapag hindi komportable ang iyong anak
sa basa o may duming pantalon
mas madali niyang tatanggapin ang potty.
Huwag pilitin, mas hikayatin
Kung tumanggi ang iyong anak na umupo sa potty, huwag mo siyang pilitin
Tanungin sa ibang pagkakataon
Sa simula
samahan ang iyong anak at gawin siyang mas kalmado
sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kaniya
pagbabasa ng kuwento o pakikipaglaro sa kanya
habang siya ay nasa potty.
Kapag matagumpay na nagamit ng iyong anak ang potty, purihin siya
Kung hindi siya nagtagumpay
kahit na nakaupo siya sa potty
ng ilang minuto
kailangan mo pa rin siyang purihin para sa nakniya pasensiya at hayaan siyang umalis.
Kung ang iyong anak ay hindi sinasadyang nadumihan o nabasa ang kaniyang pantalon
linisin lang siya nang mahinahon
at ipaalala sa kaniya ang mga hakbang sa paggamit ng banyo
Tandaan!
Ang pagsasanay sa paggamit ng banyo ay naglalayong tulungan ang mga bata na makamit ang pagkontrol sa sarili
Huwag mo silang pilitin o sigawan
Maging matiyaga at magsanay kasama ang iyong anak araw-araw
Siguraduhing ang iyong anak ay may maraming fibre at likidong kinukonsumo
Nakakatulong ito sa pagdumi at pag-ihi
lalo na sa proseso ng pagsasanay sa paggamit ng banyo
Para sa kargdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang aming website sa www.fhs.gov.hk.

Ang video na ito ay ginawa ng Family Health Service ng Department of Health.