Mga Lugar na Maaring Magpasuso

(Naka-upload na ang bidyo 06/23)

Transcript

Pamagat:
Mga Lugar na Maaring Magpasuso


Tagapagsalaysay:
Ang pagpapasuso ay nagtataguyod ng pag-unlad ng utak,
tumutulong sa pagtunaw ng pagkain
at pinahuhusay ang imyunidad ng sanggol.
Ito ang dahilan kung bakit mas maraming nanay na ang pinipili ngayon na magpasuso
upang mabigyan ang kanilang anak ng pinakamahusay na posibleng simula sa buhay.
Bilang isang komunidad, maaari nating suportahan ang mga nanay na ito.
Magsimula tayo sa paggawa ng mga lugar na maaring Magamit ng mga nanay sa pagpapasuso
Ang isang “Breastfeeding Friendly na Lugar”
ay isang lugar kung saan ang mga nagpapasusong ina at ang kanilang mga pamilya ay nakadarama ng pagtanggap
at ang mga ina ay nakadarama ng suporta sa pagpapasuso anumang oras, kahit saan.
Bilang isang kawani sa iyong lugar,
narito ang ilang bagay na maaari mong gawin upang suportahan ang mga nagpapasusong ina.
Kapag nakakita ka ng isang ina na nagpapasuso, huwag mo siyang istorbohin.
Kung gusto ng isang ina ng higit na privacy,
maaari kang mag-alok sa kanya ng naaangkop na lokasyon
tulad ng isang babycare room o isang tahimik na sulok sa loob ng lugar.
Tandaan na ang iba't ibang ina ay may iba't ibang kagustuhan,
kaya igalang ang kanilang mga pasya kung saan nila gustong magpasuso.

Higit sa lahat, subukan ang iyong makakaya upang tulungan ang mga nagpapasusong ina
at ang kanilang mga sanggol sa tuwing kailangan nila ito.
Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang aming website sa www.fhs.gov.hk.
Ang video na ito ay ginawa ng Family Health Service ng Department of Health.