Mga Pagsusuri ng Dugo Bago Manganak

(Binago 01/2020) (Muling inilimbag 06/2020)

Sa unang pagpapatingin bago manganak, iniaalok ang mga sumusunod na pagpapasuri ng dugo sa mga buntis:

  1. Paggugrupo ng Dugo

    Mahalagang malaman ang grupo ng dugo ng buntis kung sakaling kailanganin niya ang pagsalin ng dugo. Ang apat na pangunahing grupo ng dugo ay O, A, B at AB.

  2. Rhesus (Rh) Factor

    Ang Rh factor ay isang antigen na matatagpuan sa mga pulang selula ng dugo. Itinuturing na ‘Rh positive’ ang mga taong mayroon ng factor na ito at ‘Rh negative’ naman ang mga wala nito.

    Positibo sa Rh ang karamihan ng populasyon sa China. Kung ang isang inang negatibo sa Rh ay nagbubuntis sa isang sanggol na positibo sa Rh, maaaring magkaroon ng problema sa sanggol tulad ng haemolytic anemia, oedema o maging pagkamatay. Kakailanganin ang regular na pagsusuri sa dugo.

  3. Haemoglobin at Mean Cell Volume

    Tumutulong ang mga pagsusuring ito para malaman kung may anemya ang buntis na ina. Ang mean cell volume (MCV) ay isang simple at madaling pagsusuri na tumutulong para malaman kung sino ang mas may mataas na tsansa na magkaroon ng thalassaemia genes o anemya na kakulangan sa iron. Mangyaring sumangguni sa polyetong “Mean cell volume & Thalassaemia” para sa mga detalye.

  4. Rubella Antibody

    Ang babaeng nakatanggap ng bakuna laban sa Rubella o nagkaroon ng Rubella bago magbuntis ay dapat magkaroon ng panlaban dito na siyang tinatawag na Rubella antibodies. Mapoprotektahan siya nito mula sa pagkakaroon ng Rubella habang nagbubuntis. Maaaring magsanhi ng mga abnormalidad sa sanggol ang impeksyon ng Rubella. Kung walang Rubella antibody ang babae, dapat siyang magpabakuna laban sa Rubella matapos magsilang.

  5. Hepatitis B Antigen

    Halos walong porsiyento (8%) ng lokal na populasyon ang nagdadala ng Virus na Hepatitis B. Karamihan sa mga nagdadala nito ay hindi nagpapakita ng mga palatandaan o sintomas ng karamdaman. Kung positibo sa Hepatits B antigen ang pagsusuri sa dugo, kung gayon ina ang nagdadala. Maaaring maipasa ng ina na nagdadala ng Hepatitis B ang virus sa sanggol sa o sa panahon ng pagsisilang. Dapat na makatanggap ang bagong silang na sanggol ng bakuna laban sa Hepatitis B at Hepatitis B immunoglobulin pagkatapos isilang para maprotektahan siya laban sa impeksyon ng Hepatitis B.

    Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang website ng the Viral Hepatitis Control Office ng Department of Health.

  6. Syphilis

    Maaaring magresulta ang hindi nagamot na syphilis sa pagbubuntis sa pagkalaglag o magdulot ng depekto sa sanggol tulad ng pagkabulag o pagkabingi mula pagkabata. Kaya, kinakailangan ang maagang pagtuklas at paggamot dito.

  7. Pagsusuri sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) Antibody

    Maaaring magdulot ng AIDS (Acquired Immune Deficiency Syndrome) ang HIV. Kabilang sa kung paano naipapasa ito ang pakikipagtalik, kontak sa dugo o mula sa isang nahawang ina patungo sa kanyang sanggol sa panahon ng pagbubuntis, panganganak o pagpapasuso. Ang antas ng pagpapasa mula sa isang nahawang ina patungo sa kanyang sanggol ay 15%-40%. Maaaring maibaba ang antas ng pagpapasa sa 1-2% sa epektibong paggamot at pag-iwas na ibinibigay habang nagbubuntis, nagsisilang at sa sanggol matapos isilang.

Mangyaring makipag-ugnayan sa mga kawani ng ospital kung mayroon kayong anumang tanong tungkol sa mga pagpapasusuri ng dugo na nabanggit.