Pagbibiyahe Habang Buntis

Kung nagpasya kayong magbiyahe habang nagbubuntis, kailangan ninyong maghanda at magplano nang maingat. Maaari kayong makaranas ng sakit o hindi inaasahang mga problema sa pag-anak tulad ng maagang panganganak habang nagbibiyahe. Maaari din kayong makaranas ng ibang problemang kaugnay sa pagbibiyahe tulad ng kaligtasan ng pagkain, nakahahawang sakit o maging mga aksidente sa trapiko.

Dapat ninyong isaalang-alang ang mga sumusunod na tanong bago kayo magpasyang lumipad at magbiyahe.

  1. Kinakailangan ba ang inyong biyahe?
  2. Saklaw ba ng inyong insurance sa biyahe ang pagbubuntis o mga komplikasyon na kaugnay ng pagbubuntis?
  3. Saklaw ba ng inyong insurance sa biyahe ang masinsinang pangangalaga sa bagong silang na sanggol kung sakaling mapaanak nang maaga o iba pang mga komplikasyon?
  4. Tinalakay ba ninyo sa inyong obstetrician ang tungkol sa inyong alalahanin o mga problemang medikal?
  5. Ano ang inyong magiging plano kung maantala ng anumang hindi inaasahang mga kondisyon habang nagbibiyahe ang inyong orihinal na iskedyul ng pag-uwi sa bahay.

Kailan magbibiyahe?

Maaari kayong makaranas ng mga sintomas ng pagsusuka o maging banta ng pagkalaglag sa unang tatlong buwan. Sa kabilang banda, maaari ding nakakapagod o hindi maginhawa ang pagbibiyahe sa ikatlong trimester. Hindi kayo pahihintulutan ng mga airline na magbiyahe sa mga huling buwan ng pagbubuntis. Mangyaring itanong sa inyong airline at kompanya ng insurance bago kayo lumipad.

Maaaring magandang pagpipilian sa pagbiniyahe ang ikalawang trimester ng pagbubuntis. Sa pangkalahatan, mas mataas ang tsansa ninyo na mag-labor habang tumatagal ang inyong pagbubuntis.

Dapat ninyong malaman na maaaring hindi ninyo ma-access ang naaangkop na pangangasiwa ng maagang pagle-labor o iba pang mga kondisyon ng panganganak habang nagbibiyahe sa himpapawid o nagbibiyahe habang buntis.

Iwasang magbiyahe kapag naghihintay kayo ng mga resulta ng laboratoryo; kung hindi maaaring mawala ang tsansa ninyo na makatanggap ng agarang pangangasiwa.

Ano ang mga panganib o problema habang lumilipad?

  1. Deep Vein thrombosis (DVT)

    Ang DVT ay namuong dugo na nabubuo sa inyong binti o balakang. Maaari itong maging banta sa buhay, lalo na kung pumunta ito sa inyong mga baga. May mas mataas na panganib ng pagkabuo ng DVT kung kayo ay buntis at hanggang sa anim na lingo pagkatapos manganak.

    Mga buntis na kababaihan ay may mas mataas na panganib ng DVT

    • Napakataba
    • Maraming ipinagbubuntis
    • Namanang sakit na thrombophillic
    • Matinding kasaysayan ng pamilya ng DVT
    • Medikal na kondisyon na nagpapataas ng panganib ng DVT

     

  2. Paninikip ng ilong o mga problema sa inyong mga tainga

    Mayroong mataas na tsansa ng pagkakaroon ng kawalang-ginhawa sa tainga habang nagbibiyahe. Maaari kayong makaranas ng kawalang-ginhawa sa inyong mga tainga dahil sa mga pagbabago sa presyon ng hangin na kasama ng baradong ilong.

  3. Pagkalula

    Maaari kayong makaranas ng mas maraming pagkalula habang nagbibiyahe sa himpapawid.

Ano-ano ang mga Payo para sa pagbibiyahe sa himpapawid?

  1. Subukang kumuha ng upuang malapit sa daanan at regular na maglakad-lakad sa loob ng eroplano
  2. Gawin ang mga ehersisyo sa upuan kada 30 minuto
  3. Magsuot ng maluwag at maginhawang damit at sapatos
  4. Uminom ng maraming tubig at bawasan ang mga inuming nagtataglay ng alkohol o caffeine
  5. I-adjust ang inyong seatbelt upang nakapuwesto ang strap sa ilalim ng inyong tiyan
  6. Magsuot ng mga stocking na graduated elastic compression para sa anumang biyahe na ang oras na nakaupo ay mahigit sa 4 na oras.

Sa ano-anong mga pagkakataon hindi ipinapayo ang paglipad?

  1. Nadagdagang mga panganib ng maagang panganganak
  2. Matinding anemya
  3. Kamakailang pagdurugo sa puwerta
  4. Kamakailang mga operasyon sa tiyan o pagkabali
  5. Malulubhang problema sa kalusugan
  6. Iba pang mga kondisyon na ipinapayo ng inyong mga doktor.

Mga payo at konsiderasyon kapag nagpaplano kayong bumiyahe

  1. Piliing mabuti ang pupuntahan
    • Iwasang pumunta sa mga lugay na may kasalukuyan paglaganap ng nakahahawang sakit (hal. Zika virus, lagnat na dulot ng dengue)
    • Alamin ang alinmang medikal na pasilidad sa inyong pupuntahan kung sakaling magkaroon ng anumang hindi inaasahang kondisyon na may kaugnayan sa pagbubuntis o pangmedikal
    • Talakayin sa inyong mga doktor ang anumang pangangailangan ng pagbabakuna o gamot para sa bansang pupuntahan ninyo

    Maaari kayong makipag-ugnayan sa “Travel Health Service, Kagawaran ng Kalusugan” at bisitahin ang kanilang website para sa karagdagang impormasyon, http://www.travelhealth.gov.hk/

  2. Mag-ingat sa Vector-borne disease at kaligtasan ng pagkain

    (Mangyaring sumangguni sa mga polyetong “Mga Vector-borne disease” at “Kaligtasan sa pagkain” )

  3. Dalhin ninyo
    • ang iniinom na gamot
    • Mga tatandaan sa pagbubuntis
    • Mga dokumento ng insurance sa pagbibiyahe

Ligtas bang gumamit ng mga hot spring habang buntis?

Malamang na makaramdam ng mas mainit ang mga buntis na kababaihan at mahimatay dahil sa mga pagbabago ng hormon habang nagbubuntis. Kapag nasa hot spring o sauna kayo, hindi makapaglabas ng init ang inyong katawan sa pamamagitan ng pagpapawis at tataas ang inyong pangunahing temparatura. Habang dumadaloy ang mas maraming dugo sa inyong balat upang makatulong na mapalamig ang inyong katawan at kaunti ang dumadaloy na dugo sa inyong utak, maaari kayong mahimatay nang mas madalas. Kaya mas mahusay na iwasan ang paggamit ng mga sauna, hot spring at steam room habang nagbubuntis.