Emergency na Kontrasepsyon (EC)
(Binago ang nilalaman 06/2019)
Nagbibigay ang lahat ng Maternal and Child Health Centre (mga MCHC) ng Serbisyong Emergency na Kontrasepsyon sa mga oras ng serbisyo. Maaari ding pumunta ang mga kababaihan sa Departamento ng Aksidente at Emergency, Samahan ng Pagpaplano ng Pamilya, mga Pribadong Ospital o Klinika ng mga Pribadong Doktor sa hindi oras ng serbisyo ng mga MCHC.
- Nagbibigay ang emergency na kontrasepsyon ng paraan upang maiwasan ang di-inaasahang pagbubuntis. Hindi ito dapat gamitin bilang regular na pamamaraang kontraseptibo.
- Mangyaring makipag-ugnayan sa inyong doktor para sa emergency na kontrasepsyon upang maiwasan ang di-inaasahang pagbubuntis para sa mga sumusunod na sitwasyon:
- Walang ginamit na kontrasepsiyon
- Nalimutang uminom ng kontraseptibong pildoras
- Kung mayroon kang kontrasetibo na nabigo o hindi sinasadya (gaya ng napunit o dumulas na condom)
Kabilang sa mga Pamamaraang Emergency na Kontraseptibo ang:
1. Paglalagay ng Copper Intrauterine Device (Cu IUD)
- Sa mga angkop na kliyente, maaaring gamitin ang copper intrauterine device (Cu IUD) bilang emergency na kontraseptibong paraan sa loob ng 5 araw (120 oras) ng di-protektadong pagtatalik. Mangyaring kumonsulta sa doktor para sa kaangkupan ng paggamit ng Cu IUD bilang emergency na kontraseptibong paraan dahil kailangang doktor ang magpasok ng Cu IUD.
- Ito ang pinakamabisang EC na paraan at mababa sa 0.1% ang antas ng pagkabigo sa mga angkop na kababaihan.
- Dahil maaaring gamitin ang IUD sa loob ng ilang taon, maaari itong maging regular na opsyong kontraseptibo para sa mga kababaihang gusto ang pangmatagalang proteksyon ng kontraseptibo.
- Bago ninyo isaalang-alang ang paggamit ng Cu IUD bilang emergency na kontrasepsyon, maaari kayong sumangguni sa polyetong “Impormasyon para sa mga Gumagamit ng Intrauterine Device (FHS-WH1A)” para sa karagdagang impormasyon sa paraan ng paglalagay ng IUD.
2. Pag-inom ng mga Pildoras na Emergency na Kontraseptibo (Mga EC na Pildoras)
May dalawang uri ng EC na pildoras ang maaaring makuha sa mga Maternal and Child Health Centre (MCHC)
Ulipristal Acetate (UPA) | Levonorgestrel (LNG) | |
---|---|---|
Tiyempo ng paggamit | Iniinom sa loob ng 120 oras | Iniinom sa loob ng 72 oras |
Antas ng pagkabigo | 1 hanggang 2% | 2 hanggang 3% |
Paraan ng pagkilos | Pangunahin sa pamamagitang ng paghinto o pag-antala ng paglabas ng itlog mula sa obaryo. Hindi nagiging dahilan ng aborsyon ang mga EC na Pildoras. | |
Masasamang Epekto | Bihira ang malulubhang masasamang epekto. Kabilang sa maliliit na masasamang epekto ang pagkahilo, pagsusuka, pananakit ng ulo, pagkahilo, pagkapagod, pananakit ng suso, pananakit ng tiyan at iregular na pagdurugo sa puwerta. | |
Susunod na panahon ng regla |
|
|
Mga Puntong Tatandaan |
|
|
Maaari ba itong gamitin ng mga babaeng nagpapasuso? | Pagkatapos uminom ng UPA, dapat tumigil sa loob ng 7 araw sa pagpapasuso ang mga babaeng nagpapasuso. |
|